Signs of the Heavens or Signs of Overthinking?

27 Sep

Kagabi, isang himalang nanaginip ako, at isang mas malaking himala na naalala ko ang panaginip ko.

Bago ako matulog, ang dami kong iniisip na issue sa sarili ko. Kaya bago ako matulog, pinili kong manood ng Korean Drama para mawala kahit panandalian ang mga bumabagabag sa isip ko.

So ayun nga. Nanaginip ako.

Nasa CN daw ako. Kami. Kasama ko ang ilan kong mga kaibigan at kaklase. Tila may inaayos kami para sa isang presentasyon sa loob din ng kolehiyo. Gumagawa daw kami ng props, nang biglang nagpakita si Ray sa harap ko.

Pagkatingin ko sa kanya, may hawak siyang bagay na parang gawa sa papel. Ang una ko daw na isip dito, ay isinasauli niya ang scrapbook na binigay ko. Ngunit nung inabot na niya, isa siyang booklet, na kawangis ng isang greeting card.

Sa isang segundo doon, tumigil ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko lubos maisip na nagkakatotoo ang dati’y iniisip kong isa lamang ideya para sa aking isinusulat na mga maiikling kwento. Pagkakuha ko ng booklet, sinubukan ko itong basahin. Hindi ko siya maintindihan nung una, ngunit sinubukan ko paring tignan ang ibang pahina. Nang aking nakita ang lahat ng pahina, akin daw nasambit, “Sorry, pero hindi ko talaga maintindihan.” Doon ko napansin na parang tila hindi para sa akin ang mga mensahe, dahil ibang mga pangalan ang mga nakalagay sa booklet na ito.

Hanggang doon na lamang ang naaalala ko sa aking panaginip.

Ngunit…bakit ko siya napanaginipan, pagkatapos ng mahigit isang taon?

Hindi kaya dahil isa itong senyales para sa kung saan man? Senyales na kinakalimutan ko na siya? Senyales na nagsisimula na akong mag-move on? Senyales na dapat ko siyang imbitahin sa debut ko? Senyales na ito na ang katapusan ng nakaraan kong pag-ibig, at maaaring magsimula na ang bagong kabanata na pinagbibidahan ng aking puso?

Hindi ko alam. Hindi ko mawari.

Basta ang alam ko. May bago akong hinahangaan. Katulad ng paghanga ko sa kanya dati.

And I hope I won’t spoil this one…like how I spoiled the past and eventually failed it.

Lord, pahingi po ng sign.

Advertisements

Add a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: