Bakit ikaw?

14 Dec

Isang araw, may sinabihan ako ng paghanga ko sa’yo.

Sabi niya, hindi daw halata.

Hindi pa nga siya naniwala agad.

Hindi siya sigurado kung seryoso ako.

Pinakita ko pa ang wallpaper ng phone ko sa kanya para maniwala siya.

Tinanong ko kung bakit hindi siya naniwala agad.

Sabi niya, akala niya daw, ang type ko, exclusively, mukhang Koryano, or K-Pop artist.

Ang layo mo daw kay Alexander.

Hindi naman talaga ako tumitingin sa hitsura. Lahat ng nagu-guwapuhan ako sa unang tingin, hanggang do’n lang. Lahat ng naging legit crush ko, hindi base sa hitsura, actually.

So, bakit nga ba ikaw?

Anong pagkakaparehas mo kay Alexander?

Anong pagkakaiba mo kay Alexander?

Pagkakaparehas. Pareho kayong inclined sa musika. Pareho kayong kumakanta. Parehas kayong close sa families niyo. Pareho kayong Christians.

Pagkakaiba. Artista siya, hindi ko siya maabot. Halos imposibleng makilala niya ako. Isang malaking ilusyon ang maging malapit sa kanya, lalo na ang makatuluyan siya.

Ikaw hindi, pero totoo ka. Kilala mo ako. Nakakapag-usap tayo.

Parang ikaw si Alexander, actually.

Pero ikaw, kung baga sa goal, attainable.

Totoo ka. Nasa totoong buhay kita.

Parang ikaw yung Alexander ng buhay ko, gano’n.

Advertisements

Add a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: