[30-Day Letter Challenge] Day 20: The one that broke your heart the hardest

18 Dec

Hi.

Kumusta ka na? Sana ikaw ay laging masaya ngayon.

Ang dami kong gustong sabihin sa’yo. Sana maalala ko ngayon, all at once.

Una, salamat sa pag-inspire mo sa akin nung high school.

Sa totoo lang, dahil gusto kong magpa-impress sa’yo, nahanap ko ang mga tunay na gawain kung saan ako nag-e-excel, kaya salamat.

Sa pag-inspire sa akin na mag-aral mabuti. Kung hindi ako nag-aral mabuti, wala sana ako sa UP ngayon.

Sa pag-inspire mo sa akin sa pagsayaw. Pero medyo sinusukuan ko nga siya ngayon, pero salamat parin.

Sa pag-inspire mo sa akin sa pagsulat. Kung hindi ako na-inspire na sulatan ka ng tula, hindi sana ako nagsusulat ngayon, hindi sana ako natanggap sa Blue View. Hindi sana ako natanggap sa Vital Signs.

Sa pag-inspire mo sa akin na mag-COCC. Dahil gusto kong magpa-impress sa’yo na matapang ako, kaya ako sumali. Salamat, kasi dito ko natutunan ang ilan sa mga pinaka-importante leksyon sa buhay.

At higit sa lahat, salamat sa pag-inspire mo sa akin na magmahal ng tunay na walang hinihinging kapalit.

I would like to thank you for my broken heart.

Dahil sa broken heart na ‘to, ang dami kong natutunan at narealize tungkol sa love. Kaya salamat.

Hindi ko pinagsisisihang minahal kita at nasaktan ako, kasi at one point in my life, it was exactly what I wanted.

Hindi ako magiging ako ngayon, kung hindi dahil sa’yo.

Kaya salamat.

Masasabi kong masaya na ako ngayon. Kaya sana ikaw ay masaya na rin ngayon.

Don’t you ever say I just walked away. I will always want you.

–Danica.

Advertisements

Add a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: