[Random] Say Something, I’m Giving Up On You

28 Jan

Say something, I’m giving up on you.
I’ll be the one, if you want me to.
Anywhere I would’ve followed you.
Say something, I’m giving up on you.

And I am feeling so small.
It was over my head
I know nothing at all.

And I will stumble and fall.
I’m still learning to love
Just starting to crawl.

Say something, I’m giving up on you.
I’m sorry that I couldn’t get to you.
Anywhere I would’ve followed you.
Say something, I’m giving up on you.

And I will swallow my pride.
You’re the one that I love
And I’m saying goodbye.

Say something, I’m giving up on you.
And I’m sorry that I couldn’t get to you.
And anywhere I would’ve followed you. Oh-oh-oh-oh
Say something, I’m giving up on you.

Say something, I’m giving up on you.
Say something…

I want this blog post to be the last blog post I will write for you. This will be as random as possible, as this will contain every random thing I would want to say and let you know, and once and for all, to let this off my mind and my heart.

Minahal kita. Hindi ko dine-deny ‘yan.

Umasa ako. Oo, mali ako dun. Kasi siguro first time. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari. Kasi nga, first time. Malay ko ba kung sobrang bait mo lang. Which turns out, sobrang bait mo lang nga talaga.

Or sobrang bait mo nga lang ba talaga? Or somewhere in all these, may mali. May mali siguro ako. May mali ka siguro. Or sadyang nang-aasar ang tadhana, na sadyang trip lang niyang paasahin ako. At trip lang niyang pabaitin ka.

Pero salamat. Kasi hindi ako magiging ako ngayon kung hindi dahil sa’yo. Hindi ko matututunan ang mga natutunan ko kung hindi dahil sa’yo.

Ngayon, sinusubukan ko talagang kalimutan ka. In-unfriend kita sa Facebook. In-unfollow kita sa Twitter at Instagram. Dinelete kita sa contacts ko sa Skype. Hindi ko alam kung may nakakalimutan pa ako, pero you get the point. Pinagdududahan ako ng friends ko na hindi pa ako nakaka-move on sa’yo dahil sa ginawa ko. Pero sa tingin ko, gumagawa lang ako ng dahilan na naka-move on na ako sa’yo kaya hindi kita dinedelete dati. Kaya sige, inaamin kong hindi pa ako naka-move on sa’yo ng buong buo, pero alam kong nagsisimula na ako. Medyo malapit na sa kalagitnaan, makakarating din.

Ang alam mo may girlfriend ka na ngayon. Sana masaya ka. Sana masaya siya. Sana masaya kayo.

Hindi ko pinagsisisihang nakilala kita. Hindi ko pinagsisisihang nasaktan ako dahil sa pagmamahal ko sa’yo. At least, mas malakas na ako. At least, mas matapang na ako. At least, natuto ako. I learned to play on the safe side, ika nga ng kanta ni Kelly Clarkson.

Someday we’ll know why I wasn’t meant for you, ika nga ng kanta ni Mandy Moore. Baka nga yung someday na ‘yun, ngayon na. Kasi ngayong nakakapag-isip na ako rationally, all my feelings for you aside, sobrang babaw nga ng attraction ko sa’yo. Biro mo, nagustuhan kita kasi magaling ka lang sumayaw. Anong klase ba naman, diba? Pero gets, mabait ka naman, so feeling ko, dumagdag nalang ‘yon. Salamat kasi ngayong napagtanto ko lahat ng feelings ko para sa’yo, narerealize ko rin kung gaano ako nagmature ngayon. Gusto ko lang sabihin na naiirita ako kasi ang landi mo. Wala akong nakikitang sense of loyalty sa’yo. Parang maya’t maya, ibang babae ang gusto mo. Shems, hindi ko to nakita noon. Sobrang kabulagan ba? Ewan. Siguro.

Binigyan kita ng mahigit isang taon para baka sakali marealize mo, na kung may feelings ka man sa akin dati, baka bumalik, baka may chance pa tayo, kaya hindi ako nag-entertain na magkagusto sa iba. Pero wala eh. Wala talaga.

So I guess, I’m letting you go now. I’m kinda wondering though why I need to let you go when you were never mine to begin with. Well, I guess, uso ‘yun eh. Yung ‘Unrequited Love’ na tinatawag. Minahal kita, so tama lang sigurong sabihin na minsan sa buhay ko ay ikinulong kita sa puso ko, kaya siguro, dun na rin yung context na pagkukuhanan ko ng pagle-“Let Go” sa iyo.

Again, wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari. Lahat ng nakasulat sa scrapbook na binigay ko sa’yo. Lahat ‘yon, totoo. Hanggang ngayon, maliban nalang siguro sa “lagi kang may pag-asa sa akin.” Dude, I gave you the chance, pero wala eh. Sorry, you lost it. Hindi naman siguro ako maghihintay habambuhay. Lahat ng taong immersed sa feeling ng pagka-in love, madali lang nasasabi ang “kaya kong maghintay kahit gaano katagal” kaya ko siguro nasabi yan. Pero tao lang rin naman tayong lahat. Napapagod din.

Sa ngayon, hindi ko alam kung paano tatapusin ang blog post na to. Hindi rin ako sigurado kung nasabi ko na ba lahat ng gusto kong sabihin.

Isa pa pala. Nung debut ko. Grabe. Sana nung nag-invite ako, sinabi mo nalang derecho na hindi ka makakapunta. Tanggap ko naman eh. Nagconfirm ka pa na makakapunta ka. Nung mismong araw ka pa nagsabi na hindi ka pala makakapunta, and with such obvious excuses. Please. Sana nung pag-invite ko palang, nasabi mo na sa parents mo bago ka um-oo. At yung klase mo, wow, anong oras ba klase mo? Gabi ba? Wow. I accept the excuse kung gabi nga yung klase mo. Pero, gabi nga ba?

And finally, alam mo ba yung rason kung bakit kita inimbita? Kasi gusto kong itanong, once and for all, kung at any point in your life, kahit gaano kaikli, kahit gaano kababaw, nagkagusto ka man ba sa akin? Para matahimik na rin ako. Gagamitin ko sanang closure yon. Handa na akong harapin ang katotohanan nun eh. Tapos hindi ka sumipot. So I guess I have to end it like this myself. Force myself to unlove you, and forget about you. Mas matatahimik siguro ako non eh. Pero sige, wala tayong choice. Ayaw mo eh. Edi huwag. Ayaw ko na rin.

If I end this post like this, ang bitter pakinggan, diba? Pero sige. Ibahin natin ng kaunti.

Thank you ulit. Kasi kung hindi mo ako nasaktan, hindi ako lalakas, hindi ako tatapang, hindi ako magma-mature, at higit sa lahat, hindi ko makikita ang iba pang mga taong maaaring mas deserving ng pag-ibig ko kaysa sa’yo.

Bitter parin eh. Pero wala eh. Hindi ko maiiwasan. Baka nga sadyang ganyan talaga ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Kasi basta ang nag-uusap ay ang kamay ko at ang puso ko, wala na akong kontrol diyan. Kung anong gustong sabihin ng puso ko, kusang lumalabas, at in this case, lumalabas sa blog post na ito.

And to finally end, I guess this is it.

Good bye, Ray. Have a happy life ahead of you.

Advertisements

Add a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: