[For My Infatuated Self] Let It Go

29 Jan

Matagal ko naman nang napagtanto ang pag-entertain sa idea na ‘to, sadyang napalakas lang nung message sa unang U-Nite na napuntahan ko.

Let It Go.

I guess I should Let It Go. I should Let You Go. I should Let Go of my feelings for you.

Una, baka umaasa lang ako. Baka masaktan lang ako, at wala akong masisi, kasi hindi mo rin naman kasalanan ‘yon, kung saka-sakali. Gusto kong pakawalan yung feeling na gusto kita. Gusto ko nalang i-cultivate muna siguro yung friendship natin. Makilala siguro ang isa’t isa ng mas malalim.

Medyo mahirap, pero kung hindi ko gagawin ngayon, baka mas mahirap pa lalo kapag tumagal pa.

Kaya ayon. Pilit ko nalang muna sigurong i-control yung feelings of attraction ko towards you, at mag-focus sa pagpapalalim ng friendship natin.

At malay natin, kapag tama na yung oras, kung tayo talaga, eh di tayo. Gagawa ng paraan ang Maykapal. Plano Niya ‘yan. May tiwala ako diyan. If it’s meant to be, it will be.

At kung hindi naman, aba’y okay lang. At least napalalim ko ang pagkakaibigan natin. At may rason para manatili ka sa buhay ko habambuhay. Hindi man sa ayon sa kagustuhan ko ngayon, pero kung iyon ang sa tingin ng Maykapal na nararapat, ay tatanggapin ko. At least, pangmatagalan. Pagkakaibigan.

Here’s to a deeper friendship with you. 🙂

Advertisements

Add a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: