[FANACCOUNT-ish] Boo Gabunada s/t Mula Sa Buwan

3 Dec

Fanaccount-ish kasi as much as gusto ko siyang ikuwento, hindi ko rin alam kung saan sisimulan, kaya more on random drabbles na lang siguro ito. Also, recording for the main purpose of keeping memories ❤

Pinakauna kong nakita si Boo noong nanood ako ng Ang Huling El Bimbo noong July 2018. Honestly, pinanood ko yung AHEB dahil normie fan ako ng Eraserheads, at si Myke Salomon ang musical director.

Around September ako nagkaroon ng idea tungkol sa Mula Sa Buwan. Cast member kasi si Myke kaya pinlano ko nang manood. Na-excite din ako noong nalaman kong kasama pala ni Myke si Nicco. Medyo kinalaunan pa nang nalaman kong alternate pala ni Nicco si Boo. Honestly hindi ko kaagad nakilala si Boo sa promotional photos kasi long-haired si Boo sa El Bimbo, tapos short-haired siya sa Mula Sa Buwan. Doon ko sinabi sa sarili ko na gusto kong panoorin ito nang dalawang beses para mapanood ko ang pagganap ng parehong pagtatanghal.

November 11 (birthday ko!), bumili kami ng pinsan ko ng ticket for November 18, 3pm. Wala kaming idea kung sinong cast ang gaganap dito. Balak ko sanang manood muna kami ng pinsan ko sa 18 tapos susubukan kong kumuha ng clues kung kailan ko puwedeng mapanood ang isa pang cast kung saka-sakali. Noong ding araw na iyon ay nalaman kong si Boo, Cris, at Ed ang cast for November 18. So kailangan kong malaman kung kailan ang schedule nila Nicco, Gab, at Myke para mapanood ko rin.

Nag-tweet ako about sa Mula Sa Buwan at may nagreply na kaibigan. Napag-usapan namin ang tungkol doon hanggang may nagreply sa mga tweets namin na showbuyer ng November 17 3pm show at sinabing si Nicco, Gab, at Myke ang sa schedule nila. Napaisip ako, kasi kung tutuusin, pasok sa schedule eh. Manonood kami ni Lika ng Goyo sa UPTC until around 12 noon 'yon tapos lunch, eh tapat lang naman ng UPTC ang Ateneo, kaso lang hindi ko na maihahatid si Lika sa Manila, and hindi ako makakapag-service. So medyo nag-aalinlangan pa ako kung anong plano ko.

Wednesday yata nang nalaman kong may Thursday show sila, November 15, 7pm. Pagod na pagod ang pakiramdam ko noong week na iyon kasi may make up class kami noong Monday. Ang tagal na noong huli akong pumasok for 5 straight days. May mga deadlines ako for Thursday tapos apat pa ang klase ko kapag Thursdays. Pero kumuha na ako ng ticket, bahala na. Thursday, napuyat ako kagabi kasi tinapos ko yung speech plan ko at report ko sa Fil 20 (pero next week pa ito). Sa sobrang antok, hindi ako pumasok sa una kong klase at sa halip ay naidlip, kasi wala naman akong kailangang ipasa sa klaseng iyon at magdidiscuss lang naman among ourselves tapos agit pa ako sa prof doon. Noong oras na para umalis mula sa bahay kung gusto kong abutan ang pangawala kong klase, inaantok pa talaga ako, kaya naidlip akong muli, at inisip na wala rin akong kailangang ipasa, at reporting lang naman ng mga kaklase ko. Ngunit ang pangatlong klase ay hindi ko maaaring libanan dahil Kas 1 'yon at Fil-Am War ang topic (as a BCU stan HAHA) at mahirap maghabol sa Kas. Tapos last class ko ay Speech, na nagkaroon ng palihan. Sa Speech class ay binalik ng prof ko ang mga nauna naming speech plans at nakakuha ako ng 1.0. Doon ko narealize na deserve kong manood ng Mula Sa Buwan noong hapong iyon, at napanood ko nga sila Nicco, Myke, at Gab. Nagpa-picture ako sa kanila at nagpa-autograph. Nag-li-live si Myke habang nagpapa-autograph ako kaya pinahawak niya sa akin yung phone niya!! HAHA.

IMG_0748

Ni-like ni Myke yung tweet ko!
IMG_0564

Dumating ang Sunday, November 18, at nanood kami ng pinsan ko ng Mula Sa Buwan, Boo, Cris, at Ed ang cast. May mga parte na iba nga ang atake nila sa kani-kanilang mga role. Honestly, mas nasaktan ako sa performance ni Boo as Cyrano, though magaling din naman yung performance ni Nicco. Tapos nung curtain call, naramdaman ko yung puso ni Boo, naiiyak siya noong curtain call. Well wala rin naman akong idea kung ano ang tumatakbo sa isip niya noong mga panahong iyon, pero ayon nga, nakita ko yung passion niya sa craft niya. To the point na pumiyok na siya sa last line niya na “Ako’y mula sa buwan~” dahil nga he’s tearing up. Sobrang na-touch talaga ako. I felt so soft for him. He just felt so precious.

After the show, siyempre nag-abang kami ng pinsan ko sa labas kasi gusto kong magpa-picture kay Boo, and autograph sa playbill. Ang daming nagpapa-picture sa kanya, bes! Tiyagaan talaga, pero worth it! Habang naghihintay, nagpa-picture na rin kami kay Ed at Iggy. Tapos noong turn na namin kay Boo, nagpa-autograph ako, tapos nabanggit ko sa kanya na I watched him in El Bimbo last July. He asked for my name, parang isusulat niya yata, pero natataranta na kasi yata siya kaya hindi na niya nasulat, pero he signed naman, tapos nag-groupie na lang kami ng pinsan ko with him. After the show hanggang kinabukasan I can’t get over doon sa na-feel ko sa performance ni Boo. I felt so soft pa rin, remembering him tearing up at the curtain call. Tapos he interacted with me pa sa Twitter and Instagram!

I honestly want to watch it again. Pati ‘yong pinsan ko, kasi gusto niyang mapanood si Phi. Pero naisip namin pareho na baka sabihin ng nanay ko na paulit-ulit kami ng panonood. I mean, I watched both sets (well, except for Phi’s performance), what’s my excuse for the third time? Tapos naisip kong ipapapanood din sa nanay ko yung play! Pumayag naman siya so yay! So I have my excuse, pero yung schedule, dapat i-time namin sa schedule ni Phi. Nakalagay sa IG niya na pino-promote niya yung November 24, 7pm show, kaso hindi puwede yung pinsan ko kasi Christmas party nila, so I asked Phi sa IG if November 24 na lang ba ang schedule niya, at sumagot siya na sa November 25, yung closing show, ay gaganap din siya. Tinanong ko kung free yung pinsan ko sa November 25, at pumayag siya, kaya bumili na ako ng tickets. Though a part of me medyo sad kasi hindi show ni Boo, pero still, show pa rin ni Myke, so win-win pa rin. Sabi ko na lang, kapag nakita ko si Boo around magpapa-picture pa rin ako (filed under: ang hilig kong magpa-picture). After a few days, nalaman kong nag-extend sila for one show, December 1, 3pm. Hindi ako free no’n kasi may Christmas Party kami sa Admin sa morning until lunch at hindi ko alam kung anong oras ako matatapos at kung aabot ba ako. I’m stating this kasi decided na akong hindi na ako manonood for December 1 3pm show. Pero naiisip kong manood sa show nila Boo for November 23, pero feeling ko hindi ko deserve at wala akong kasama.

So dumating nga yung Sunday, excited kami pareho ng pinsan ko, kasama namin nanay ko at kapatid niya. Personally, I want to think of it this way: the first time na nanood ako, my heart goes out to Myke as Christian, the second time, my heart goes out to Boo as Cyrano. For this third time, my heart should go out to Nicco as Cyrano, parang to make up doon sa feeling ko mas na-touch ako sa performance ni Boo, kasi kay Myke ako naka-focus, and I guess it worked. I saw Nicco’s passion and energy during that performance (so oo, it wasn’t Nicco, it was me. Iyong focus ko ang problema HAHAHA).

After the show, si Phi talaga yung una naming hinanap ng pinsan ko kasi gets siya yung main na ipinunta namin doon HAHA. So nagpa-autograph ako, tapos nagpa-picture ‘yong pinsan ko, pati na rin nanay ko. Pagkatapos ay nagpa-picture ang nanay ko kay Myke, tapos nagpa-picture na rin ako. (Side note: Pagkatapos na pagkatapos kong magpa-picture kay Myke ay may biglang lumapit sa kanya para yumakap at bumati, si Sir Carlos Siguion-Reyna!!! as a Rafa stan!!! HAHAHA. Na-starstruck talaga ako like nakanganga lang ako habang iniisip kung kakausapin ko ba siya o magpapa-picture ba ako o babanggitin ko ba sa kanya na may plano kaming i-block screening yung Hari ng Tondo. Pero habang iniisip ko ang lahat nang ‘yon, naglakad na siya papalayo. Hinahanap ko siya, iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin, at the same time hinahanap ko kasi baka kasama niya si Rafa HAHAHA pero ayon nga, kung anong bilis niyang nagpakita ay siyang bilis din niyang nawala LOL anyway). Nagpa-picture ako kay Phi kasi wala pala kaming photo!! Tapos nagpa-picture yung nanay ko kay MC. Tapos lumabas na kami. Nagdadalawang isip si Mama kung magpapapicture ba siya kay Nicco. Tapos sabi ko, sige na, balik na kami sa loob para magpa-picture. Sumama naman siya. Tapos habang nakapila kami para magpa-picture kay Nicco, nakita ko si Boo!!! Kasama niya si Topper!!! Iniisip ko kung iiwan ko ba muna nanay ko sa pila para makapagpa-picture sa kanila, kasi relatively kaunti yung mga tao sa paligid nila, at paminsan-minsan lang may nagpapa-picture kay Boo at that moment. Pero malapit na rin kami sa turn namin kay Nicco. So nagpa-picture na si Mama kay Nicco. Pagkatapos no’n, sabi ko kay Mama, sandali lang. Nilapitan ko si Boo at Topper. I called them both Sir pero parang natawa sila in a way na parang masyado akong magalang? HAHAHA. Tapos while setting up my phone to be in the selfie mode, binanggit ko sa kanila (but this is my second time telling Boo) that I watched them in El Bimbo last July. So ayon, goal met ako kasi diba sabi ko magpapa-picture ako kay Boo kapag nasa area siya tapos sakto nandoon din si Topper! Ang galing lang kasi paano kung hindi pinag-isipan ni Mama na magpa-picture kay Nicco, baka hindi kami bumalik sa loob at hindi ko sila nakita, so buti na lang! In-add ulit ni Boo sa story niya yung photo namin huhu!

IMG_0673

When I thought I am settled na, nalaman kong nag-open ng 7pm show for December 1. Akala ba ng Mula Sa Buwan manonood ako ulit? Siyempre HAHAHAHA. Naghahanap ako ng mayayaya para may excuse ako sa nanay ko para manood ulit. Noong wala pang sure na kasama, dahil gusto ko na talagang manood kahit ako na lang ulit mag-isa. Hindi ko alam kung paano magpapaalam sa nanay ko pero sabi ko, “Ma, love mo ba ako?” tapos sabi niya, “Oo naman, bakit?” tapos tumawa lang ako, tapos sabi niya, “Ano, manonood ka ulit?” HAHAHAHAHAHAHA kilalang-kilala ako ng nanay ko, so pinayagan naman niya ako. Akala ko papagalitan niya ako eh HAHAHA. Ang ending naman ay kasama ko si Merilles, so bumili ako ng ticket noong Wednesday, November 28. May exam ako noong Thursday kaya nag-focus muna ako doon, pero nabasa ko sa Facebook ni Boo na consider watching him for the last time as a birthday gift, so birthday pala niya soon kaya nag-isip ako ng puwede kong gawin as a birthday gift. I tried asking sa Twitter kung anong gusto niyang gift, pero hindi na siya nakapag-reply. Naisip kong hiramin ang recipe ni Lika ng Mareos, so bumili ako ng ingredients noong Friday afternoon at gumawa ng Mareos Friday night, pinagpuyatan ko, besh! Haha. Bumili din ako ng greeting card, at doon isusulat ng greetings and message.

So Saturday na, maaga rin akong nagising para sa Christmas party (running on 3 hours of sleep lang yata ako HAHA yes come on), pagkatapos ng Christmas party, tumambay muna ako sa Starbucks Harbour Square para hintayin si Merilles na matapos sa duty, at para ma-claim ko na rin ang planner ko. Doon ko rin tinatype sa phone ko yung mga gusto kong sabihin kay Boo, and then sinulat sa card. Sa long table ako nakaupo, at may mga katabi ako kaya nahihiya akong i-calligraphy right then and there yung name ni Boo sa card. Mga 4:30 natapos na si Merilles sa duty at sinundo ko siya sa may Pedro Gil area at dumeretso na sa QC. Nag-drive thru muna kami sa Mcdo at pumunta sa Ateneo. Kinuha ko na yung ticket at moontis namin at kumain saglit sa sasakyan. Pagkatapos ay ginawa yung fluffy ribbon para sa Mareos, medyo na-stress ako kasi ang purol ng nadala kong gunting, tapos malapit na mag-7:30. Anyway natapos rin naman at madaliang c-in-alligraphy ang name ni Boo at pumasok na.

After the show, kumalma muna kami kasi baka kapag binigay na namin yung gift, hindi wala na siyang free hand or mabigatan na siya. Maya maya hinanap na namin kung nasaan si Boo. Maya-maya pumila rin kami para magpa-picture. Binigay ko na kay Alyssa yung phone ko. Ang gameplan ko, pa-autograph, photo, then bigay yung gift. Tapos nung ako na, p-in-autograph ko yung CD, tapos sabi ni Boo, “Oh, it’s you again,” tapos na-shookt ako kasi wow naalala niya ako!!! Tapos nagpapicture ako, yung matino tapos yung pose nila ni Carissa with the nose. Tapos after no’n, binigay ko na yung gift, sabay sabi ng “advanced happy birtday!” tapos parang shookt siya, hala baka mali pala na birthday niya. Pero sabi ni Merilles may mga nauna naman na nag-greet sa kanya at nag-thank you naman siya so baka nga birthday niya talaga HAHAHA. So ayon. Natuwa ako na naalala niya ako!! ❤

My reaction nung sinabi niyang "Oh, it's you again!" HAHAHA ang arte, self
IMG_0760

IMG_0761

IMG_0762

IMG_0724

Alright, dumarami po ang sinusubaybayan ko sa teatro. Ang saya sa arts! Hahaha!

Add a comment